Panalangin ng Karmelyan
Maria, aming ina, igawa mo ako ng pusong mapagpakumbaba at payak na patuloy na naghahanap sa Panginoon. Igawa mo ako ng pusong matatag at marangal na hindi pinanghihinaan ng loob sa mga pagkatalo at pagkabigo, isang pusong hindi nagtatanim ng galit at marunong magpatawad na kung hindi nauunawaan ay mananatili pa ring tapat. Igawa mo ako ng isang pusong marunong dumamay sa paghihirap ng iba…pusong marunong magpahalaga sa mumunting biyaya ng pag-ibig…pusong patuloy na nagbibigay kahit pasakitan at talikdan ng iba…pusong buong-layang naglilingkod para sa bansa at sa sambayanan ng Diyos…pusong kailanman ay hindi nawawalan ng pag-asa sa mga nagbabantang pagsubok. O Maria, ina ng Diyos at aking ina, ihubog mo ako ng pusong katulad ng kay Kristo, puno ng pag-ibig ng Ama at para sa lahat, isang pusong pinaghaharian ng Espiritu ng pag-ibig.
No comments:
Post a Comment